Hindi tinanggap ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang rekomendasyon ni Vice President Leni Robredo na pamunuan nila ang Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Para sa DDB, ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tamang ahensyang mamuno ng ICAD lalo na at ito ang nagpapatupad ng Anti-Drug Programs ng gobyerno.
Binigyang diin pa ng DDB, pinamumunuan na nila ang Philippine Anti-Illegal Drugs Strategy (PADS), isang policy framework na layong palakasin ang kampanya kontra droga.
Ang PADS ay binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Executive Order noong Oktubre 2018, habang ang ICAD ay binuo sa ilalim ng Executive Order noong March 2017.
Facebook Comments