Walang bansa ang magtatagumpay kung ang South China Sea ay magiging ‘locus of power play.’
Ito ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng kaniyang panawagang magkaroon ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Sa kanyang talumpati sa 15th East Asia Summit, nagbabala si Pangulong Duterte sa pagsasagawa ng ‘dangerous game’ sa pinag-aagawang teritoryo.
Iginiit ng Pangulo na dapat sumunod ang mga bansa sa rehiyon sa international law.
Muling sinabi ng Pangulo na ang 2016 Arbitral Ruling ay bahagi na ng international law at nagbibigay ng malinaw na direksyon sa pagresolba ng maritime conflict.
Nanindigan din si Pangulong Duterte na ang Asia Pacific ay dapat manatiling region of peace kung saan umiiral ang rule of law at pantay-pantay ang lahat ng bansa.