“Dangerous heat index,” posibleng maitala sa 16 na lugar sa bansa bukas, ayon sa PAGASA

Posibleng maitala sa labing-anim na lugar sa bansa ang delikadong lebel ng heat index o damang init bukas, araw ng Lunes.

Base sa huling monitoring ng PAGASA-DOST, inaasahang papalo sa 45°C ang heat index sa Roxas City, Capiz habang 44°C sa Puerto Princesa at Aborlan, Palawan maging sa Guiuan, Eastern Samar.

Nasa 43°C naman ang posibleng maranasan sa Dagupan City, Pangasinan at Catarman Northern Samar, habang 42°C sa Metro Manila; Bacnotan, La Union; Aparri at Tuguegarao sa Cagayan; Sangley Point, Cavite; Ambulong, Tanauan Batangas; San Jose, Occidental Mindoro; Pili, Camarines Sur; Iloilo City at Dumangas, Iloilo.


Ang dangerous heat index ay nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C na posibleng magdulot ng matinding pagkapagod, heat cramps at heat stroke sa tao.

Facebook Comments