Dangerous level na heat index, naitala sa 19 na lugar

Naitala sa 19 lugar sa bansa ang mapanganib o ‘dangerous’ level na heat index kahapon, May 5.

Sa datos ng DOST-PAGASA, sa Surigao City, Surigao del Norte ay pumalo sa 48.2°C ang heat index.

Maliban dito, naitala rin ang mataas na heat index sa sumusunod na lugar:


  • Ambulong, Batangas (43.5 degrees Celsius)
  • Butuan City, Agusan del Norte (41.4 degrees Celsius)
  • Calapan, Oriental Mindoro (46.6 degrees Celsius)
  • Casiguran, Aurora (43.8 degrees Celsius)
  • Catbalogan, Western Samar (42.4 degrees Celsius)
  • Cotabato City, Maguindanao (41.2 degrees Celsius)
  • Cuyo, Palawan (43.1 degrees Celsius)
  • Dagupan City, Pangasinan (43.7 degrees Celsius)
  • Davao City, Davao del Sur (43.5 degrees Celsius)
  • Dipolog, Zamboanga del Norte (42.9 degrees Celsius)
  • El Salvador City, Misamis Oriental (41.9 degrees Celsius)
  • Guiuan, Eastern Samar (45.7 degrees Celsius)
  • NAIA Pasay City, Metro Manila (42.6 degrees Celsius)
  • Roxas City, Capiz (43.8 degrees Celsius)
  • San Jose City, Occidental Mindoro (42 degrees Celsius)
  • Sangley Point, Cavite (42 degrees Celsius)
  • Science Garden Quezon City, Metro Manila (42.2 degrees Celsius)
  • Virac, Catanduanes (44.2 degrees Celsius)

Ikinukunsiderang dangerous category ang isang lugar na may heat index na 41 hanggang 54 degrees Celsius dahil magkakaroon na ang tao ng heat cramps at heat exhaustion at maaaring mauwi sa heat stroke.

Ang heat index ay ang init na nararamdaman ng katawan ng tao na kadalasang mas mataas sa air temperature.

Facebook Comments