Isabela – Naging masaya ang mga kasapi ng Danggayan Dagiti Mannalon at Kilusan ng Magbubukid Isabela Chapter matapos ang matagumpay na pakikipagdayalogo kay Governor “Bojie Dy III, Provincial Administrator ng Isabela na si Atty. Manuel Lopez at sa mga department heads ng Provincial Government ng Isabela kamakailan.
Ayon kay ginoong Romy Santos, ang media consultant ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na ang ginanap na dayalogo sa provincial capitol ay dinaluhan ng mahigit kumulang na dalawang daang kasapi ng Danggayan at KM Isabela Chapter.
Sinabi pa ni ginoong Santos na pinangunahan ng tagapangulo ng Dagami Isabela Elmerito Pagulayan at Chita Managelod, Director ng Sentro ng Tunay na Repormang Agraryo kaugnay sa kanilang small and medium enterprise o ang pautang ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela.
Aniya hiniling ng grupo na mawala o ibigay na lamang ang kanilang mga pautang dahil sa naging pagsalanta ng bagyong ompong sa kanilang mga pananim.
Sinabi naman umano ng gobernador na hindi basta basta mabibigyan ng aksyon ang kanilang kahilingan ngunit isa umano ito sa ilalatag na pag-uusapan sa provincial government.
Matatandaan na ang small and medium enterprises ng provincial government ay isang pautang na nagkakahalaga ng sampung libong piso na walang interest at babayaran sa loob ng isang taon.