Daniel Craig, muling gaganap bilang James Bond

Showbiz – Muling gaganap bilang James Bond ang English actor na si Daniel Craig sa pinakabagong James Bond movie.

Ito ang inanunsiyo ng EON Production at Metro-Goldwyn Mayer para sa ika-25 pelikula ng franchise.

Panlimang beses na itong pagganap ng 49-anyos na aktor sa nasabing pelikula na ipapalabas sa 2019.


Matatandaang sa huling pagganap niya bilang James Bond sa ‘spectre’ noong 2015 sinabi niyang ito na ang huling pagganap nito.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na title ng nasabing 25th James Bond movie.

Facebook Comments