Daniel Matsunaga At Erich Gonzales, Hiwalay Na?

34

MANILA – How true ang chika na hiwalay na ang couple na sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales, o mas kilala sa bansag na #Danrich.Burado na kasi sa instagram account ni Erich ang lahat ng picture nila ni Daniel at naka-private na rin ang kanyang account.Ikinabahala naman ito ng Danrich fans, kaya inuulan ngayon ng mga katanungan at mensahe si Daniel sa kanyang IG account.Pero, ayon kay Daniel, mayroon lamang silang pinagdadaanan ni Erich at kasalukuyan nila itong inaayos.Hinihingi rin ng Brazilian-Japanese model-actor bigyan sila ng oras ni Erich na makapag-isip at respetuhin ang kanilang pananahimik.Taong 2015 nang umamin sina Daniel at Erich sa kanilang relasyon.

Facebook Comments