Daniel Padilla, dumalaw sa last shooting day ng pelikula nina Kathryn at Alden

Personal nang nagkita sina Daniel Padilla at Alden Richards.

Ito ay nangyari sa huling araw ng shooting ng pelikula nina Alden at girlfriend ni Daniel na si Kathryn Bernardo na ‘Hello, Love, Goodbye.’

Ayon kay Alden – dinalaw siya ni Daniel kasama si Kathryn sa tent nito.


Ang pagbati sa kanya ni Daniel ay sapat na para sa kanya.

Nagpapasalamat din si Alden kay Daniel dahil binigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho si Kathryn.

Nagpadala rin ng text si Alden sa ina ni DJ na si Karla Estrada, bilang pagpapakita ng courtesy.

Samantala, showing na sa mga sinehan sa bansa simula ngayong araw ang pelikula nina Alden at Kathryn.

Facebook Comments