Daniel Padilla, James Reid magsasama sa isang ‘action-packed’ project sa unang pagkakataon

73
Image via Viva Artist Agency @vivaartistagency on Instagram

Sa isang short clip, pinakita ang pag-uusap nila James Reid at Daniel Padilla tungkol sa kanilang karanasan bilang magkatrabaho sa ‘Doble- Hataw’.

Agad na nag-trending ito sa social media dahil ang dalawang Kapamilya actor ay hindi mapagkakailang popular mayroong malalaking loveteam fanbase sa bansa.


Ayon kay Daniel, naging mabilis lang ang trabaho dahil naging masaya at chill lang ang buong production.

“Sobrang cool. Masaya,” sabi ni Daniel.

“Maganda yung project na ‘to. Bagay na bagay samin ni James. Maraming matutuwa dito. Abangan niyo,” dagdag ni Daniel.

Ganito rin ang naging pahayag ni James na, “We had a good time.”

Dagdag niya, “Siguro rin yung action, the drifting, driving the cars, that’s definite the coolest part of the shoot.”

Facebook Comments

From Advertisers