Daniel Padilla, proud na ipinagmalaki si Kathryn Bernardo bilang kaniyang “perfect woman”

373

Ipinagmalaki ni Daniel Padilla ang kaniyang girlfriend na si Kathryn Bernardo bilang “perfect woman.”

Ayon sa aktor, si Kathryn ang laging tumutulong at gumagabay sa kaniya sa tuwing siya ay nawawala sa hulog.


Aniya, proud siya sa kaniyang girlfriend dahil si Kath ang tumulong sa kaniya para maging isang mabuting tao.

Dagdag pa ni Daniel, sa loob ng 11 taon nilang nagkasama sa proyekto at sa mahigit siyam na taong relasyon ay kilala na nila ang isa’t-isa.

Ayon sa dalawa, hindi man perpekto ang kanilang relasyon ay patuloy pa rin nilang hinaharap ang mga problema ng magkasama.

Facebook Comments