Dante Gulapa, nanawagan sa mga botante

Malabon City – Pinagkaguluhan si Dante Gulapa habang siya ay bomoboto sa Potrero Elementary School sa Malabon City.

Pinasikat ni Gulapa ang ‘eagle dance’ at ‘eagle pose’ ito ay ang nakaangat ang isang paa at ang kamay at tila lumututang sa ere.

Ayon kay Gulapa, sinusulong niya ang malinis, maayos at mapayang eleksyon.


Panawagan niya sa mga botante na bumalik sa mga polling precinct at huwag panghinaan ng loob matapos maranasan ang mahabang pila, mainitan at mga aberya.

Mas maigi na aniya na maging responsableng Pilipino sa papagitan ng pagboto para walang pagsisihan sa huli.

#RMNbantaybalota2019

Facebook Comments