DANYOS SA AGRIKULTURA SA PANGASINAN, UMABOT NA SA HIGIT P5.2M

Patuloy pang nararanasan ang epekto ng nagdaang Bagyong Crising at umiiral na Habagat sa lalawigan ng Pangasinan.

Nagdulot na rin ito ng pinsala sa mga pananim kung saan ayon sa datos ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), pumalo na sa mahigit P5.2 million ang danyos sa agrikultura.

Sa livestock, nakapagtala na rin ng pinsalang P969,800, na kung saan ilang mga alagang kalabaw, kambing at iba pa ay nasawi dahil sa hypothermia.

Mas pinaigting pa ngayon ang monitoring ng PDRRMC sa lalawigan lalong lalo na sa mga lubhang naaapektuhan ng nararanasang lagay ng panahon, maging pagbibigay ng mga tulong at pagresponde sa mga Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments