Umakyat pa sa P698 milyon ang naitalang pinsala sa sektor ng pangisdaan sa Region 1,kahapon, mula sa P681 milyon noong November 18.
Sa datos na ibinahagi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 1, katumbas ng 4,593 metriko tonelada ang naturang danyos na nakaapekto sa 4,311 mangingisda sa rehiyon.
Nanguna ang Pangasinan sa may pinakamataas na bilang ng apektadong mangingisda na nasa 2,753; La Union na nasa 860, Ilocos Sur ang nasa 591, at Ilocos Norte na nasa 107.
Umabot din sa 1,101 unit ng bangkang pangisda ang nasira ng bagyo kung saan 675 ang partially damaged habang 425 naman ang totally damaged.
Mula sa datos, 78.7 porsyento ng kawalan ng mga mangingisda ay sa isang bangus, sinusundan ng hipon na nasa 17.6 porsyento at tilapia na nasa 3.6 porsyento.
Bilang bahagi ng recovery operations, nagpamahagi na ng food packs, fishing gear, net with sinkers sa mga apektado sa Pangasinan kasabay ng pagdulog ng iba pang pangangailangan sa national government.
Patuloy ang pagtataya ng pinsala sa sektor upang agarang matulungan ang mga apektado. 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









