Lumobo pa sa P175 million ang danyos sa sektor ng agrikultura dahil sa sama ng panahon.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), may kabuuang 175, 237, 999.47 ang iniwang pinsala ng pinagsama-samang epekto ng Southwest Monsoon, Bagyong Butchoy at Carina sa limang rehiyon kabilang ang Region 3, MIMAROPA, Regions 6, 9 at 10.
Pinakaapektado ang Central Luzon na may naitalang 70.4 milyon piso na pinsala, sinundan ng MIMAROPA na may 65.2 milyon piso, Region 6 na may 24.6 milyon piso, Region 10 na may 6.5 milyon piso, at Region 9 na may 1.6 milyon piso na danyos.
Kabilang sa naapektuhan ang mga pananim na palay at mais pati na rin ang ilang irrigation system.
Dahil dito, halos 8,940 na mga mangingisda at magsasaka mula sa mga nabanggit na rehiyon ang naapektuhan ang kabuhayan.