Pumalo sa P63 milyon ang paunang danyos sa sektor ng pangisdaan sa Ilocos Region sa pananalasa ng tatlong bagyo at habagat.
Sa datos ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 1, nasa 1,663 mangingisda ang apektado at 41 unit ng bangka ang nasira.
Nanguna ang La Union na nakapagtala ng 642 apektadong mangingisda, sinusundan ng Pangasinan na may 385 apektadong mangingisda, Ilocos Norte na nasa 331, at Ilocos Sur na nasa 305.
Nagpapatuloy pa ang pangangalap ng datos sa pinsala ng bagyo.
Samantala, binuksan na ng ilang ahensya ang recovery assistance program at insurance sa mga mangingisda at magsasaka kung saan maaaring makahiram ng kapital o makakuha ng halaga base sa idedeklarang danyos upang muling makabawi sa kanilang kabuhayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









