DANYOS SA SEKTOR NG PANGISDAAN SA REGION 1, UMAKYAT NA SA P327M

Umakyat na sa P327 million ang pinsalang idinulot ng Bagyong Emong sa sektor ng pangisdaan sa buong Ilocos Region.

Base sa pinakahuling datos ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 1 as of August 12, katumbas ng 3,852 metriko tonelada ng produkto ang nalugi sa mga mangingisda at nasa 682 naman ang napinsalang bangka kung saan 135 dito ang totally damaged.

Kabuuang 10,297 naman na mangingisda ang apektado, kung saan nanguna ang Pangasinan na nakapagtala ng 4,819; sinusundan ng La Union na nasa 2,752; Ilocos Sur na nasa 1,603; at Ilocos Norte na nasa 1,123 ang apektado ng mga nagdaang kalamidad.

Patuloy din ang pamamahagi ng tulong sa mga mangingisda kasunod ng 4,315 relief packs sa mga coastal communities nitong Agosto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments