Manila, Philippines – Nahaharap sa panibagong reklamo ang kinakaharap ni dating Pangulong Noynoy Aquino at ilang dating opisyal.
Isinampa ang mga reklamo sa Office of the Ombudsman.
Ayon sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica – ginamit ng mga nasasangkot ang pondo ng Disbursement Acceleration Program (DAP) upang maimpluwensyahan ang impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona.
Base sa ebidensya ng PACC, aabot sa ₱17 billion ang nagamit sa anomalya kung saan ang dalawang bilyon dito ay nawawala.
Nanindigan ang komisyon na hindi nila pinag-iinitan ang dating administrasyon.
Facebook Comments