Manila, Philippines – Nakatakdang kasuhan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) si Senador Antonio Trillanes IV kaugnay ng iligal na paggamit nito sa kaniyang Disbursement Acceleration Program (DAP) para pondohan ang hindi maanomalyang lamp post project.
Ayon kay PACC Executive Director Eduardo Bringas, inihahanda na nila ang reklamo laban kay Trillanes at anumang araw ngayong linggo ay isasampa na nila ito sa Ombudsman.
Giit ni Bringas, hindi mapipigilan ang PACC na imbestigahan at magsagawa ng lifestyle check laban sa mga elected official at mambabatas tulad ni Trillanes.
Nabatid na nakasaad sa Executive Order 43 na tanging mga presidential appointee lamang sa executive branch, mga assistant regional director o may ranggong may mas mataas sa salary grade 26 ang maaari lamang imbestigahan ng PACC sa usapin ng korupsyon.