DAPAT AYUSIN | Pagsasaayos sa mass public transport system, iginiit

Manila, Philippines – Naniniwala ang oposisyon na dapat nang ayusin ng gobyerno ang mass public transport system sa Metro Manila sa halip na tutukan ang isyu ng motorcycle ride-sharing service na Angkas.

Ayon sa Koalisyon Oposisyon, hindi lamang isyu ng kaligtasan ang Angkas kundi isyu din ng trapik at kabuhayan.

Iginiit ng oposisyon na hindi na kasi talaga ligtas ang mga kalye sa Metro Manila.


Napipilitan tuloy ang publiko na kumapit sa patalim makarating lamang sa oras sa trabaho o makauwi nang mas maaga.

Hindi anila ito ramdam ng mga nasa poder dahil puwede kasi silang mag-helicopter o gumamit ng wangwang.

Dahil dito, hinamon ng oposisyon ang nasa gobyerno na unahin muna ang kapakanan ng karaniwang mamamayan.

Facebook Comments