Manila, Philippines – Binigyang diin ng Overseas Workers Welfare Office o OWWA ang kahalagahan ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng mga bansang nagpapadala ng migrant workers.
Ito ay kasunod na rin ito ng kalunos-lunos na sinapit ng Pinay Overseas Worker na si Joanna Dimafelis mula sa kanyang Lebanese at Syrian National na amo sa Kuwait, kung saan natagpuan ang bangkay sa loob ng isang freezer.
Sa interview ng RMN kay OWWA Deputy Administrator Arnell Ignacio – layong nitong maalis ang pangit na pananaw ng mga dayuhan sa isang “domestic helper”.
Dahil naman sa pagdami ng mga naaabusong Pinoy sa abroad sinabi ni Ignacio na ipag-uutos na ng gobyerno ang close monitoring ng mga agency sa mga ipinadadalang Pinoy workers sa ibang bansa.
Una na nang binigyang diin ng International Labor Organization ang kahalagahan ng kasunduan sa mga bansang nagpapadala ng migrant workers.