DAPAT BAHAGI NG SERBISYO | Singil sa paper billing ng mga telecom company, tinututulan ng DTI

Manila, Philippines – Kinontra ng DTI ang paniningil ng bayad sa paper
billing ng mga telecommunications company.

Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo – hindi na dapat maningil ng bayad para sa
paper billing dahil bahagi na dapat iyon ng serbisyo ng mga telcos.

Nanindigan ang Globe sa paniningil ng bayad sa paper billing na anila’y
sagot sa problema ng mga delay sa delivery ng billing statement.


Habang sa panig ng Smart at Sun, libre ang paper bill at opsyon lang ang
paperless billing.

Hindi naman ito ipinagbabawal ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) dahil
bukod sa on-time ang dating ng bill, bawas din ito sa konsumo ng kahoy.

Facebook Comments