Manila, Philiuppines – Hindi na mapipilit ang mga public school teachers na magsilbi ngayong darating na Barangay at SK elections.
Paalala nila ACT Teachers Rep. Antonio Tinio at France Castro, ito ay alinsunod na rin sa Election Service Reform Act na inaprubahan noong 2016.
Ipinaalala ng dalawang kongresista sa ginawang dayalogo sa COMELEC ang mahigpit na implementasyon nito.
Alinsunod sa batas, boluntaryo na ang pagsisilbi ng mga guro sa halalan.
Nakapaloob din dito ang pagbibigay ng mas mataas na honoraria, travel allowance at insurance sa mga gurong magsisilbing board of election tellers at canvassers sa darating na eleksyon sa Mayo.
Nangako ang COMELEC na hindi na mabibitin at agad na ibibigay ang honoraria at travel allowance ng mga guro.
Pumayag din ang COMELEC na magkaroon ng information dissemination sa hanay ng mga guro para malinaw sa mga ito na boluntaryo na lamang ang kanilang election service hindi tulad dati na obligado ang mga ito.