DAPAT GUMAWA NG HAKBANG | Dating Pangulong Noynoy Aquino, nakikiramay sa mga biktima ng Dengvaxia

Manila, Philippines – Nagpaabot ng pakikiramay si dating Pangulong Noynoy Aquino sa mga pamilyang namatayan matapos mabakunahan ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Aquino, nakikiramay siya sa mga pamilyang nawalan ng anak matapos maturukan ng nasabing bakuna.

Hinimok naman ni Aquino ang gobyerno na gumawa ng hakbang para masolusyunan ang kasalukuyang problema kaugnay sa Dengvaxia vaccine.


Sinabi ni Aquino na magandang malaman sa mga pagdinig na ginagawa ng kongreso ang dahilan ng pagkamatay ng mga batang nasawi para maitama ang sitwasyon at mabigyang lunas kung anuman ang problema sa Dengvaxia.

Mahalaga para kay Aquino na makagawa ng hakbang na magpapaganda ng sitwasyon sa halip na magpapalala sa sitwasyon.

Hinikayat nito ang gobyerno na tigilan ang pananakot sa publiko at hindi aniya tama na lalong nagiging kawawa ang taumbayan dahil tumataas ang agam-agam at takot nila sa Dengvaxia.

Facebook Comments