Manila, Philippines- Para kay Senate President Tito Sotto III dapat ibigay ang hirit na taas sa sweldo ng mga mangagawa kung kaya naman ng gobyerno.
Pahayag ito ng pagsuprota ni Senate President Sotto sa hiling ng labor sector na wage increase sa harap ng tumataas na presyo ng mga billihin.
Para kay Sotto, tama ang pagpapakilos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa wage boards kaugnay sa hiling na umento sa sahod.
Paliwanag ni Sotto, mas mabilis ito kesa idaan sa lehislasyon na may mahabang proseso ang dagdag sa sweldo.
Ayon kay Sotto, pwede namang ihabol na lamang ng Kamara at Senado ang pagtatakda ng mas mataas na standard national minimum wage pero sa ngayon dapat gumalaw na muna ang wage boards.
Facebook Comments