DAPAT IMBESTIGAHAN | Parusa sa 10 mayor na missing in action, iginiit nina Sen. Drilon, Lacson

Manila, Philippines – Dapat imbestigahan at maparusahan kung mapapatunayang nagpabaya ang 10 mayor ng Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR) na hindi mahagilap habang nananalasa ang bagyong Ompong.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, malaking tanong kung ano ang ginagawa ng nabanggit na mga alkalde dito sa Maynila habang binabayo ng bagyo ang kanilang lugar.

Diin naman ni Senator Lacson, napaka-insensitive ng nabanggit na mga mayor na nagawang umalis sa kanilang lugar sa kabila ng kaliwat kanang abiso ng malakas na bagyong tatama sa kanilang nasasakupan.


Facebook Comments