DAPAT INTINDIHIN | Hakbang ng Kuwaiti government laban kay Ambassador Villa, dapat unawain

Manila, Philippines – Sa tingin ni Senate Majority Leader Tito Sotto III, dapat nating sikapin na unawain ang mga hakbang ng Kuwaiti government laban kay Ambassador Renato Villa.

Kabilang dito ang deportasyon at pagdeklara kay Villa ng Kuwaiti government bilang persona non grata.

Diin ni Sotto, katulad sa Pilipinas, ay may mga batas din ang Kuwait na dapat masunod.


Giit ni Sotto, tama ang ginawang rescue operations ng Philippine Diplomatic Staff sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Kuwait pero paliwanag ni Sotto, walang magagawa ang ating diplomatic group kundi sundin ang mga umiiral na patakaran at batas sa ibang bansa tulad sa Kuwait.

Facebook Comments