DAPAT IPATUPAD | Kautusan na suspensyon kay Deputy Ombudsman Carandang, dapat sundin ni Ombudsman Morales – Secretary Panelo

Manila, Philippines – Nanindigan si Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na dapat ay ipatupad ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang suspension order na ipinataw ng Malacanang kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang dahil sa grave misconduct at grave dishonesty matapos isapubliko ang sinasabing bank documents ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni Panelo matapos magsalita si Ombudsman Morales na hindi niya ipatutupad ang kautusan ng tanggapan ng Pangulo.

Ayon kay Panelo, kung naniniwala si Morales na walang kapangyarihan ang Pangulo na patawan ng parusa ang Deputy Ombudsman, dapat ay kuwestiyunin niya ito sa korte na siyang magdedesisyon.


Pero habang walang desisyon aniya ang korte ay dapat ipatupad ni morales ang kautusan ng Office of the President.

Paliwanag ni Panelo, lahat ng hakbang ng panahalaan ay may tinatawag na presumption of regularity hanggang hindi ito napagbdedesisyunan ng korte.

Paliwanag pa ni Panelo, magkaiba ang kaso ngayon ni Carandang sa dating kaso ni deputy Ombudsman Emilio Gonzales III.

Wala din aniyang intensyon si Pangulong Duterte na manghimasok sa constitutional independence ng Office of the Ombudsman pero kailangan nitong sumunod sa saligang batas na kanyang sinunpaang gawin.

Facebook Comments