Manila, Philippines – Iginagalang din ng Palasyo ng Malacañang ang naging desisyon ng Korte Suprema na patalsikin si Maria Lourdes Sereno bilang Supreme Court Chief Justice.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, nagsalita na ang kataas taasang hukuman na legal o naaayon sa saligang batas ang quo warranto petition at dapat patalsikin si Sereno bilang Supreme Court Chief Justice kaya dapat ay igalang ng lahat ang naging desisyon ng mga mahistrado ng Korte Suprema.
Sinabi din ni Roque na bilang isang Co-equal branch ng ehekutibo ang hudikatura ay mayroon din itong mandato na ipatupad ang mga nakasaad sa saligang batas.
Ipinunto din ni Roque na ang pagdedesisyon ng Korte Suprema ay nagpapatunay lamang na buhay at nananaig ang fundamental law ng bayan.
Una nanag sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na tama lang ang naging desisyon ng korte suprema dahil ipinapakita nito na iligal talaga ang pagkakatalaga o ang pagkakaupo ni Sereno bilang punong mahistrado ng Korte Suprema.