DAPAT ITIGIL? | Pamahalaan, dapat nang itigil ang pagsusulong sa Charter Change

Manila, Philippines – Inirekomenda ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na bitiwan na ng gobyerno ang pagsusulong sa Charter Change.

Ito ay matapos lumabas sa latest Pulse Asia Survey na 64% ng mga Pilipino ay tutol sa pagbabago sa Konstitusyon.

Patunay lamang ng resulta ng survey ang hindi nagbabagong posisyon ng maraming Pilipino sa Chacha mula pa noong panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Fidel Ramos.


Giit ni Zarate, dapat na itigil na ng gobyerno ang pagpilit na maisulong ang chacha dahil ito ay aksaya lamang ng oras at pera ng taumbayan.

Asahan na niya na ang kasalukuyang chacha project ni Pangulong Duterte ay mahaharap sa malawakang oposisyon at protesta mula sa taumbayan.

Dagdag pa ng Kongresista, ang talagang inaasahan ng publiko mula sa gobyerno ay aksyunan ang problema sa lupa ng mga magsasaka, pagtaas ng sahod, pagwawakas sa kontraktwalisasyon at pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Facebook Comments