Manila, Philippines – Iginiit ng Senate Blue Ribbon Committee sa Department of Justice o DOJ at Office of the Ombudsman na magtulungan sa pagbuo at pagpapalakas ng kaso laban sa mga nasa likod ng kontrobersyal na Dengvaxia.
Ang atas sa DOJ at Ombudsman ay nakapaloob sa draft report na inilabas ni Committee Chairman Senator Richard Gordon base sa mga impormasyon at testimonya na lumabas sa mga pagdinig na isinagawa ng senado sa isyu ng Dengvaxia.
Bukod dito ay nakapaloob din sa draft report ang pagpapakilos sa mga embahada para sa pagsasampa ng class suit laban sa pharmaceutical company na Sanofi Pasteur na manufacturer ng Dengvaxia.
Ayon kay Gordon, makakatulong din ang atingembahada para makakuha ang gobyerno mula sa Sanofi ng indemnity fund na gagamitin sa medical at financial assistance na kakailanganin ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia.