DAPAT KUMPIRMAHIN | Missile system ng China sa West Philippine Sea, hindi dapat ipagwalang bahala ng pamahalaan

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senator Win Gatchalian sa pamahalaan na huwag ipagwalang-bahala ang paglalagay ng china ng missile system sa West Philippine Sea.

Sabi ni Gatchalian, dapat iberipika ang nabanggit na impormasyon at kung totoo ay iprayoridad na aksyunan ng gobyerno.

Gayunpaman, ipinalaala ni Gatchalian sa pamahalaan na gawing kalkulado ang bawat hakbang upang hindi maapektuhan ang pagkakaibigan ng Pilipinas at China.


Sa tingin ni Gatchalian, maaring gamitin sa pagtugon sa galaw ng China ang mga umiiral na bilateral at multilateral diplomatic options.

Dapat din aniya nating palakasin ang ating pakikipag-ugnayan sa ating mga regional at global security partners pagdating sa aspetong panseguridad at depensa.

Binanggit din ni Gatchalian ang kahalagahan ng pagpapabuti at modernisasyon ng ating sandatahang lakas.

Facebook Comments