DAPAT LANG? | Liderato ng Senado, idinepensa ang pahayag ni Pangulo Duterte na sya ay diktador

Manila, Philippines – Ipinagtanggol nina Senate President Koko Pimentel at Senate Majority Leader Tito Sotto III ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sya ay diktador.

Sabi ni Pimentel, ang tinutukoy ng pangulo ay ang kanyang istilo ng pagiging sobrang istrikto na dapat lang gawin sa executive department para may mangyari.

Sabi naman ni Senator Sotto, dapat lang mag-ala diktador ang pangulo dahil marami ang matitigas ang ulo.


Pangunahing inihalimbawa ni Sotto ang mga driver na anya’y puro salbahe.

Facebook Comments