DAPAT MAG-SORRY | Pangulong Duterte, pinagso-sorry kay Sister Patricia

Manila, Philippines – Pinaghihingi ng paumanhin ni ACT Teachers Representative Antonio Tinio si Pangulong Duterte para sa Australian nun na si Sister Patricia Fox na ipinaaresto at ikinulong ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay Tinio, maliban sa pagso-sorry ay dapat na magpasalamat din si Pangulong Duterte dahil malaki ang naitulong ni Sister Pat sa mga Pilipino pati sa mga taga Davao.

Hinala naman ni Anakpawis Representative Ariel Casilao maaaring nabigyan ng maling impormasyon ang Pangulo tungkol sa aktibidad ni Sister Pat sa bansa.


Aniya, dalawamput pitong taon na umano ang nakararaan nang isakripisyo ni Sister Pat ang komportableng buhay sa Australia para tumulong sa mga aeta sa Central Luzon.

Giit pa ng kongresista, hindi nagsalita sa alinmang rally at hindi naglalabas ng anti-government na sentimyento si Sister Pat.

Facebook Comments