DAPAT MAG-SORRY | PRRD, pinahihingi ng sorry ukol sa pahayag nito sa rape cases sa Davao

Nag-demand ng public apology mula sa Pangulong Duterte ang ilang kongresista kaugnay sa sinabi nitong “maraming maganda sa Davao, kaya maraming rape”.

Ito ay kaugnay sa mataas na rape cases sa Davao City kung saan ito ang nangunguna sa may mataas na bilang ng rape cases sa mga lungsod sa bansa ngayong 2nd quarter ng taon.

Giit ni ACT Teachers Representative France Castro, dapat na humingi ng patawad at bawiin ni Pangulong Duterte ang mga pahayag na sinabi tungkol sa dahilan ng pagtaas ng rape cases sa Davao.


Sa halip na solusyunan ang mataas na kaso ng rape sa Davao City, ginawa niya pang biro at naisisi pa sa itsura ng babae ang dahilan kaya nagagahasa.

Kinukundena ni Castro ang mga pahayag na ito ng Presidente na aniya’y “unbecoming” para sa isang public servant higit lalo ito pa ay Pangulo ng bansa.

Iginiit pa ng kongresista na dapat mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng rape hindi lamang sa Davao City kundi sa buong bansa.

Facebook Comments