DAPAT MAGING BIHASA | Maraming kompanya, hindi pa handang bigyan ng trabaho ang mga SHS graduates

Manila, Philippines – Hindi pa handa ang maraming kompanya para bigyan ng trabaho ang mga Senior High School graduate.

Batay sa survey na isinagawa ng Philippine Business for Education (PBED), isa sa bawat limang kompanya lang ang payag na bigyan ng trabaho ang mga Senior High School graduate.

Ayon naman sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), may pag-asa pa para matanggap ang mga Senior High School graduate basta at maging bihasa sila sa “critical thinking” at “innovation”.


Nabatid higit 1 milyong Senior High School students na kabilang sa unang batch ng K-12 program ang magtatapos sa Abril.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng Department of Education (DepEd), na nakikipagtulugnan na sila sa iba’t-ibang industriya para magbukas ng maraming oportunidad para sa mga K-12 graduates.

Facebook Comments