DAPAT MAGING RESPONSABLE | Senator Lacson, biktima din ng Fake News

Manila, Philippines – Sa post sa kanyang twitter account ay sinabi ni
Senator Panfilo Ping Lacson na naging biktima din siya ng fake news labing
pitong taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Lacson, dalawa sa pinagmulan nito ay nagsorry na at nag-isyu pa ng
sinumpaang salaysay na bumabawi sa kanilang alegasyon.

Inaantabayan ni Lacson na ang iba pang nagkalat ng maling impormasyon laban
sa kanya ay magpapakita na rin sa publiko ng kagandahang asal at pagigiging
responsable sa kanilang ginawa.


Magugunita na taong 2001, sa ilalim ng Arroyo administration ay kinasuhan
si Lacson ng ilang Senior Military Officers kaugnay sa bintang na mayroon
syang Foreign Bank Accounts na naglalaman ng daan daang milyong dolyar na
nagmula umano sa pagkakasangkot niya sa ilang criminal activities noong
siya ay hepe pa ng Philippine National Police.

Pero sa bandang huli ay nag-recant o nagbawi ng alegasyon at nagsori pa ang
mga nag-akusa sa kanya na sina retired Brig. Gen. Victor Corpus, dating
military intelligence chief, at Ador Mawanay, na umanoy computer expert na
nagsabing walang basehan ang akusasyon.

Facebook Comments