Dapat maibalik ang Rule of Law at kasagraduhan ng mga kontrata sa bansa, ayon kay VP Robredo

Dapat umanong labanan ang pagapang na kadiliman na unti-unting lumalambong sa bansa.

Ito ang tahasang pahayag ni Vice President Leni Robredo sa kaniyang talumpati sa Philippines Prospects Conference of the Foreign Correspondents Association of the Philippines sa Makati City.

Sinabi ni Robredo na ang Pilipinas ay kilala sa buong mundo na may malusog na demokrasya.


Pero, nakapaghalal aniya ang sambayanan  ng isang pangulo na may authoritarian style ng pagpapatakbo ng gobyerno.

Aniya, dapat ay sama-samang ipaglaban na maibalik ang Rule of Law.

Marami aniyang mga pamilya ang nawalay sa kanilang mga kaanak dahil  sa giyera sa illegal drugs.

Nangangamba aniya ang mga ito na ang mga bumubuhay sa kanila ay mapatay na lamang.

Iginiit din ni Vice President Leni na maibalik ang kasagraduhan ng mga kontrata sa bansa.

Ang giyera sa droga ay pinag hahati hati ang lipunan upang kalabanin ang bawat isa.

Panahon na aniya na ito ay salungatin ng mga nagmamahal sa demokrasya.

Facebook Comments