Manila, Philippines – Tahasang itinuturo ng ilang mga militanteng mambabatas kay Pangulong Duterte ang responsibilidad sa pagkakapatay kay Fr. Tito Paez sa Nueva Ecija.
Kinukundena nila ACT Teachers Rep.Antonio Tinio at France Castro ang pagpatay kay Fr. Paez at iginiit nila na dapat managot dito ang Pangulong Duterte.
Naniniwala ang mga kongresista na ang mga insidente ng pagpatay kay Fr. Paez ay bahagi ng crackdown laban sa mga progressive organizations, mga aktibista at mga human rights defenders.
Si Fr. Paez ay founding member din ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) sa Central Luzon sa lumalaban sa paglabag ng karapatang patao.
Bago ito mapatay, tumulong pa ito sa pagpapalaya sa isang political prisoner na si Rommel Tucay na nakakulong sa BJMP Cabanatuan.