DAPAT MANAGOT | Pagsasampa ng tax evasion laban sa Rappler, patunay lang na umaandar ang batas – Malacanang

Manila, Philippines – Hands off ang Palasyo ng Malacañang sa issue ng pagsasampa ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa Rappler.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, dapat lang managot ang sinuman na mayroong pagkukulang sa pagbabayad ng buwis.

Paliwanag ni Roque, ang batas ay ipinatutupad kung talagang mayroong hindi nagbayad ng buwis ay dapat na managot sa ilalim ng batas.


Nabatid na aabot sa 133.8 million pesos ang hinahabol ng pamahalaan laban sa Rappler para sa taong 2015 kung saan sinasabi ng BIR na hindi nagbayad ang Rappler Holdings Corporation o RHC ng income tax at VAT nang bumili ng common shares mula sa Rappler Incorporated na umabot sa 19.2 million pesos.

Facebook Comments