Manila, Philippines – Matapos na pumasa sa huling pagbasa ang panukalang pag-take over ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) at Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) nais ngayon ni Justice Secretary Menardo Guevarra na manatili ang mga ito bilang attached agencies ng Department of Justice (DOJ).
Bagamat nirerespeto ni Guevarra ang house bill 7376 kung saan principal authored si speaker Pantaleon Alvarez, kaniyang sinabi na dapat manatili ang mga ito sa ilalim kanilang ng kagawaran.
Nabatid kasi na ang PCGG ay siyang humahabol sa mga nakaw na yaman ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, pamilya nito, mga kamag-anak at mga cronies nito.
Habang ang OGCC ang siya namang principal law office ng mga government-owned and controlled corporations, mga subsidiaries nito, mga government financial institutions, mga government corporate offspring, mga government instrumentalities na may corporate powers at ang government-acquired asset corporations.