DAPAT MASUNOD | Seniority, dapat pa ring manaig sa pagluklok ng Chief Justice sa Korte Suprema

Manila, Philippines – Naniniwala si Supreme Court Associate Justice Diosdado Peralta na dapat masunod ang seniority sa pagtatalaga ng punong mahistrado ng kataas-taasang hukuman.

Sa public interview ng JBC, aminado si Peralta na marami na rin siyang karanasan sa Korte Suprema pero hanggang ngayon ay aminado siyang marami pa ring dapat matutunan.

Kaya naman nang tanungin kung dapat bang most senior ang mailuklok na Chief Justice at walang dudang sinang-ayunan ito ni Peralta.


Sa Katunayan, suportado niya aniya ang sino mang maging sunod na Chief Justice.

Tumanggi naman si Peralta na iindorso si Justice Andres Reyes dahil wala pa anyang isang taon na nakatrabaho niya ito sa Korte Suprema.

Facebook Comments