Manila, Philippines – Kasunod ng pagsusulong na maisabatas ang National Curfew para sa mga menor de edad, tiniyak ngayon ng Department of Interior and Local Government na suportado nila ang nasabing panukala.
Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, kung siya ang tatanungin, dapat ay matagal nang naipatupad ang ganitong panukala.
Aniya, maging ang mga magulang ng mga menor de edad ay sangayon sa National Curfew, at tanging ang mga youth groups lang naman ang tumututol dito, dahil naba- violate raw ang kanilang karapatang pantao.
Maganda aniya na nationwide ang ipatutupad na curfew, upang isahan na lamang ang batas, nang hindi na maulit na may ibang lungsod na hindi nakakalusot sa Korte Suprema ang kanilang City Ordinance para sa kapakanan ng mga kabataan.