DAPAT MAY MANAGOT | Hustisya para sa OFWs na minaltrato at pinatay sa Kuwait, dapat ipaglaban ng pamahalaan

Manila, Philippines – Hindi kuntento si Senator Francis Chiz Escudero sa ipinatupad na deployment ban ng mga manggagawang Pilipino sa Kuwait.

Ayon kay Escudero, dapat hilingin ng Department of Foreign Affairs o DFA sa mga kinatawan ng Kuwaiti Government ang hustisya para sa mga minaltrato at pinatay na kababayan natin doon.

Giit ni Escudero, dapat mapanagot ang mga Kuwaiti Nationals na umabuso at pumaslang sa OFWS na nanilbihan sa kanila.


Dagdag pa ni Escudero, dapat mag-usap ang ating pamahalan at ang Kuwaiti Government kung paano maiiwasan ang hindi magandang pagtrato sa mga Filipino Household Service Workers.

Ito aniya ay sakaling muling buksan ng Pangulo ang Deployment ng Pinoy Workers sa Kuwait.

Facebook Comments