DAPAT MAY MANAGOT | Imbestigasyon sa posibleng pananagutan ng NCCC mall management sa sunog, iniutos

Manila, Philippines – Ipinahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na dapat may managot sa sa malagim na sunog sa Davao City na ikinamatay ng 37 katao.

Inatasan ni Bello ang Occupational Safety and Health Center ng DOLE regional office sa Davao na alamin kung may nilabag ang NCCC mall management sa labor safety and health standards.

Ang resulta aniya ng imbestigasyon ay magiging batayan nila para sa legal gagawing legal na hakbang.


Iniutos din ni Bello ang pagsasagawa ng inventory at assessment sa mga apektadong empleyado ng mall para paghahanap ng emergency employment.

Kasabay nito, nagparating na rin ng pakikiramay si Bello sa mga pamilya ng mga empleyado na nasawi.

Facebook Comments