DAPAT PATAS | Kababaihan at LGBT, pinadadagdag sa consultative committee na mag-aaral sa Saligang Batas

Manila, Philippines – Inirekomenda ni AGBIAG Party List Representative Michaelina Antonio kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng mga kababaihan sa 25-member consultative body na magsasagawa ng pag-aaral sa pag-amyenda sa Saligang Batas.
Nauna dito ay may 19 na miyembro na ng consultative committee ang itinatalaga ng Pangulo mula sa Academe, Hudikatura, dating mga pulitiko, business sector, education sector, Mindanaoans, Visayans, Igorots at maging sa media sector.

Ayon kay Antonio, tanging si Attorney Susan Ubalde-Ordinario lamang ang nagiisang babae sa consultative body.

Aniya, well-represented ang bawat sektor pero kulang ng mga babaeng magtataguyod sa kanilang mga karapatan at gender equality.


Maliban sa mga kababaihan, hiniling din ni Antonio ang pagtatalaga ng miyembro mula sa LGBT sector.

Hiling nito na mabigyang pagkakataon at bigat ang mga mairerekomenda ng lahat ng mga kumakatawan sa mga Pilipino tungo sa Federalism.

Facebook Comments