DAPAT PLANUHING MABUTI | Senator Gatchalian, nababahala na makadagdag sa problema ng Boracay ang planong pagtatayo ng casino

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Win Gatchalian sa pamahalaan na
pag-isipan at planuhing mabuti ang nakaambang pagtatayo ng casino sa
Boracay kahit ito ay nakatakdang isailalim sa rehabilitasyon.

Paliwanag ni Gatchalian, posibleng palalain ng itatayong casino ang
problema ng overcapacity o sobra sobrang tao sa Boracay.

Ayon kay Gatchalian, ang dagdag na populasyon sa Boracay ay hindi kakayanin
ng kawalan nito ng waste disposal facility na siyang delikado sa kalikasan.


Diin ni Gatchalian, dapat isama sa long term plan para sa Boracay ang
maingat na pag-aaral sa kakayahan nito na magkaroon pa ng malalaking
pasilidad tulad ng casino.

Facebook Comments