Manila, Philippines – Muling ipinanawagan ng Public Attorney’s Office o PAO at ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang pagbibitiw sa pwesto ni DOH Secretary Francisco Duque III.
Ito ayon kay PAO Forensic Chief Dr. Erwin Erfe, ay dahil sa inilabas na kautusan ng DOH na nagsasaad na dapat ay sa mga ospital lamang ng gobyerno ipaubaya ang pagasasagawa ng autopsiya sa mga naturukan ng Dengvaxia.
Aniya, sa halip na makatulong ang kalihim na makamit ang hustisya ng mga biktima ng Dengvaxia, ay naging sagabal pa ito sa pagpapanagot ng mga may sala sa Dengue Mass Vaccination ng DOH.
Ayon naman kay PAO Chief Atty. Persida Acosta, ang kailangan ng DOH ay isang kalihim na pro-victim o yung nakakaintindi sa pangangailangan ng mga biktima.
Facebook Comments