Manila, Philippines – Naniniwala ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na walang masama kung mapo-‘fall in love’ ang isang empleyado sa kanyang boss.
Ayon kay ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay – walang government policy na nagbabawal ng workplace romance sa bansa.
Wala rin aniyang batas na pumipigil na mahulog ang loob ng isang empleyado sa kanyang boss o vice versa.
Giit din ni Tanjusay – dapat mapanatili ang professional relationship sa loob ng kanilang oras ng duty.
Pero sinabi niya na may ilang kumpanya ang nanghihimasok sa mga ganitong sitwasyon sa pamamagitan ng pag-lay off, demote o transfer sa mga nasasangkot na empleyado.
Panawagan ngayon ng ALU-TUCP sa Department of Labor and Employment (DOLE) na mag-isyu ng guidelines hinggil sa inter at intra-office romance policy para maiwasan din ang mga employer na maabusong ipatupad ang kanilang management prerogatives.