DAPAT SAMPULAN | Mga smuggler ng shabu, dapat ipa-firing squad – Sen. Pacquiao

Manila, Philippines – Nais ni Senador Manny Pacquiao na ipa-firing squad ang mga smugglers na mapapatunayang nagpapasok ng shabu sa bansa.

Kasunod ito ng umano ay P6.8 bilyong halaga ng shabu na nailusot sa Bureau of Customs (BOC).

Ayon kay Pacquiao, dapat masampulan ang sinumang dayuhan o Pinoy na sangkot sa smuggling ng droga.


Aminado naman si Pacquiao na naipapasok ang droga sa Pilipinas dahil walang death penalty o mas matapang na batas na maaaring ipataw sa mga smugglers.

Kasabay nito, naghain na rin ng resolusyon ang senador para imbestigahan ang naipuslit na P6.8-B halaga ng shabu na una nang itinanggi ng BOC.

Facebook Comments