DAPAT SIGURUHIN | Mga batang estudyante, dapat nasa loob na ng bahay bago sumapit ang gabi – DepEd

Manila, Philippines – Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang mga magulang maging ang mga guro na siguruhing na nasa bahay na ang mga batang estudyante bago sumapit ang gabi.

Ito ay para matiyak ang kanilang kaligtasan sa gitna ng crackdown ng mga awtoridad laban sa mga tambay.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones – malaki ang responsibilidad ng mga magulang na tiyakin ang seguridad ng mga bata.


Ang mga guro naman aniya, ay maaring bigyan ng kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa kasalukuyang hakbang ng gobyerno laban sa mga lumalabag sa mga lokal na ordinansa.

Giit ng kalihim, ang paghuli sa mga menor de edad na posibleng lumabag sa local ordinances ay hindi maaring ikulong lalo at violation ito sa juvenile justice and welfare law.

Dahil dito, payo ng DepEd sa mga estudyante na ugaliing idala o isuot ang kanilang ID.

Facebook Comments